Capulong, Kristel Pearl B. 1T41. Noong 1936 sa bisa ng Batas Komonwelt Blg.184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa na naatasang aralin at suriin ang mga dayalektong umiiral sa ating bansa na maaaring maging basehan ng ating pambansang wika. Sa sumunod na taon, pinirmahan ni Pangulo Manuel Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 na kumikilala sa Tagalog bilang ating wikang pambansa (Pamatin, n.d.). Ngunit alinsunod sa Kautusang Pangkagawaran Blg.
7 na nilagdaan ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na si Jose Romero noong 1959, pinalitan ng Pilipino ang Tagalog bilang ating pambansang wika. Ito ay upang maitatak sa utak ng mga Pilipino ang nasyonalisasyon. Bukod dito, ang Tagalog ay iisa lamang sa mga wikang umiiral sa Pilipinas kaya’t ang pagkilala natin dito bilang ating pambansang wika ay maaari lamang magdulot ng gulo at hindi pagkakaunawaan ng iba’t ibang pangkat ng mga tao (Cabrera, 2009). Nagimulang magtransisyon ang Pilipino patungong Filipino noong 1973.
Ayon sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, ang wikang pambansa ay tatawaging Filipino at ang wikang Ingles at Pilipino naman ang magiging wikang opisyal na gagamitin ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Muling nagbago ang konstitusyon nang manungkulan si Corazon Aquino bilang pangulo (Jimenez, 2009). Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino at dapat payubungin at pagyamanin batay sa mga umiiral na wika sa bansa.
Bukod dito, kinilala ang Ingles at Filipino bilang mga wikang opisyal habang ang mga wikang panrehyon ay pantulong na wikang opisyal at wikang panturo sa mga rehyon. Mas naging malinaw at ang paggamit ng Filipino sa konstitusyong ito. 2. Wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Ang diyalekto naman ay baryasyon ng wika. Ito rin ang ginagamit ng partikular na grupo ng mga tao. Halimbawa, sa Maynila kung saan Tagalog ang gamit na salita, marami ng nahalo mula sa ibang diyalekto o wika tulad ng sa paaralan, nagkakakila-kilala ang mga mag-aaral mula sa mga lugar na may ibang wika at diyalekto. 3.
Ito ay ang varayti ng Filipino na magagamit sa pagtuturo sa mga Pilipino sa lahat halos ng larangan ng karunungan mula sa antas primary hanggang sa pamantasan. Ang intelektwalisasyon ay proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayo’y mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan. Makakaambag tayo sa paraang gawin nating midyum ng pananalita ang wikang Filipino sa lahat ng aspeto ng lipunan.
4. Oo, dahil para sakin mas madali itong basahin at intindihin. Maaari itong maka offend sa mga pari at ibang aspeto ng simbahan pero pag sa gantong paraan ang diyos ay parang mas makatao at mas madaling intindihin. At alam naman natin na karamihan sa mga Pilipino ay hindi mahilig magbasa ng bibliya baka sa paraang ito ay mas gugustuhin nila ang ganitong version dahil mas makakarelate sila at mas madaling intindihin. Sana available din ito sa ebook dahil alam naman natin na puro selpon na ang gamit ng mga kabataan ngayon o mga millenials